Sagot :
Answer:
Chocolate Hills
Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Bohol, Pilipinas.[1] Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometre (20 mi kuw).[2] Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.
Ang Chocolate Hills
Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.[3]