[tex] [/tex] PAGSASANAY 1: Saan nga Ba? Panuto: Isulat sa patlang ang SA para sa Silangang Asya kung ang mga pangyayari na may kaugnayan sa pag-usbong ng kilusang nasyonalista ay naganap sa rehiyong ito at TSA naman kung naganap ito sa Timog-Silangang Asya. 1. Ipinatupad ang Open Door policy noong 1853 sa upang makapasok ang kulturang Kanluranin na nakatulong upang umusbong ang nasyonalismo, 2. Lumaya ang bansang ito sa pangatlong pagkakataon noong Hulyo 2,1976 sa pamumuno ni Ho Chih Minh mula sa sosyalistang Republika. 3. Itinatag ang AFPFL sa pamumunoni Aung San upang labanan at itaboy ang mga Hapon 4. Isinulong ni Mao Zedong ang ideolohiyang komunista sa pamamagitan ng Pagtatag ng Partido Kunchantang noong 1921. 5. Itinatag ng mga Amerikano ang pamahalaang kolonyal at pinalaganap ang edukasyong makabanyaga. 6. Nakamtan ang kalayaan sa pamamamahala ni Sukarno na ginamit ang Guided democracy na batay s limang prinsipyo. 7. Nahati ang bansang ito dahil sa dalawang prinsipyong nag-uumpugan na Komunismo at demokrasya. 8. Nakamtan ang kalayaan noong Hulyo 4, 1946 matapos igawad ito ng Pamahalaang Amerikano. 9.Sa pamumuno ni Chiang Kai-Shek napagtagumpayan ng Partido koumintang Ang laban sa mga warlords na may malalaking lupain. 10. Yumakap sa ideolohiyang demokrasya ang rehiyong pinamunuan ni Ngo Dinh Diem na sa kalaunan ay natalo ng mga komunista.