C. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang talahanayan kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng damdamin o motibo. Damdamin Motibo 1. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad! 2. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. 3. Natutukso siyang tumalon at magpalunod na lamang upang matapos na ang kaniyang paghihirap. 4. Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya. 5. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!