👤

ano ano ang hinaing ng mga tao sa simbahang katoliko?bakit tutol sula sa indulhensiya?​

Sagot :

Answer:

Ayon sa Katekismo ng Simbahang Katoliko, ang indulhensiya ay "Ang pagpapatawad ng Diyos sa mga temporal na kaparusahan dahil sa kasalanang napatawad na." Ang isang maayos na miyembro ng simbahan ay maaaring magkamit ng indulhensya sa ilalim ng ilang mga itinakdang kundisyon sa pamamagitan ng tulong ng simbahan, bilang ministro ng katubusan, nagpapatupad at naglalapat ng awtoridad mula sa kayamanan ng kahabagan ni Kristo at ng mga santo. Ang indulhensiya ay bahagi lamang kung aalisin ang makalupang parusa dahil sa kasalanan, o plenarya kung aalisin nito lahat ang kaparusahan."

Itinuturo ng Simbahang Romano Katoliko na ang kasalanan ay may dalawang bunga. Para sa isang miyembro ng Simbahang Katoliko, ang mortal na pagkakasala ay magdudulot ng "walang hanggang parusa" — kasama ang walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos at pagdurusa sa impiyerno.